COVID-19

Mga bakunahan sa Maynila, dinagsa dahil sa maling ulat

By Susan De Leon

LUNGSOD CALOOCAN — Maling impormasyon ang naging sanhi ng pagdagsa ng mga hindi taga-Maynila sa mga lugar ng bakunahan sa kapitolyo ng bansa nitong Huwebes, ika-5 ng Agosto.

Karamihan pa ng mga taong dumagsa para mabakunahan ng first dose ay hindi taga-Maynila at walang dala na QR code o waiver para patunayang sila ay rehistrado.

Binigyang diin ito ng Pangalawang Punong Lungsod Ma. Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan matapos kumalat ang impormasyon na dadamputin ang sinumang hindi pa bakunado kapag sila’y lumabas ng kanilang tirahan.

“Ang sabi nga ng mga nainterview doon, “Natatakot sila dahil may kumalat na balita na hindi sila papayagan lumabas kung wala silang bakuna’,” sinabi ni Lacuna-Pangan sa isang pahayag.

“As much as possible gusto namin yakapin ang lahat para mabakunahan, taga-Maynila man o hindi,” dagdag ng Pangalawang Punong Lungsod.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), nagsimula ang pagdagsa ng tao mula sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan nang 2:00 ng umaga.

“They came in groups, they came in vans,” sinabi ng isang imbestigador ng MPD.

Naganap ang pagdagsa sa bakunahan isang araw bago magsimula ang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Iginiit ni Lacuna-Pangan na ipinaaalam naman sa mga gustong pumila kung wala nang slot na natitira, ngunit nagpupumilit pa rin pumila ang mga tao kahit pa alam nila ito.

“Ang mga pulis at volunteers laging nag-aabiso sa mga tao tungkol sa cut off, nagkataon lang na sobrang dami ng tao ang dumagsa kanina at nagbabakasakali. Hindi na mapakiusapan ang mga tao,” sinabi niya.

Ayon kay Lacuna-Pangan, Miyerkules pa lang ng gabi ay isinapubliko na kung ilang doses lamang ang nakareserba sa Lucky Chinatown Mall, Robinsons Place Manila, SM Manila, at SM San Lazaro.

“Minomonitor namin ang sitwasyon sa mga malls, maayos ang pila, kapag cut off na, inaabisuhan namin ang mga tao. ‘Yun lang po ang na allocate sa amin kaya may cut off kami. 2,500 doses per mall,” dagdag niya.

Dahil sa nangyaring pagdagsa ng tao, napilitan na isuspinde ang bakunahan sa SM San Lazaro upang masigurado ang kaligtasan at seguridad ng mga tao. Philippine Information Agency

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.