COVID-19

Epekto ng ECQ sa mga manggagawa, gawan ng paraan -Gatchalian

By Jerome Carlo Paunan

MAYNILA — Hinimok ngayon araw ni Senator Win Gatchalian ang Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), at Department of Labor and Employment (DOLE) na galugarin ang lahat ng maaaring mapagkukunan ng pondo para makapagbigay ng pagkakakitaan o ayuda sa mga manggagawang apektado ngayong isinailalim na uli ang National Capital Region sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon sa senador, dapat pinaghandaan na ng gobyerno ang mga posibleng maging epekto sa mga manggagawa na sakop ng mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.

“Dapat nakalatag na ang tulong para sa mga mawawalan ng trabaho bago pa man inanunsyo na ibabalik uli ang paghihigpit ng protocol kasunod ng dumadaming kaso sa bansa ng mas nakakahawang Delta variant,” giit ng senador.

Sa pinakahuling unemployment survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), bahagyang tumaas ang bilang ng mga nawalan na trabaho. Mula sa 3.73 milyong apektadong manggagawa noong Mayo ay umakyat ito sa 3.76 milyon noong Hunyo.

Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, inaasahan na ang posibleng epekto ng ECQ sa mga trabahador kasunod ng naging karanasan na ng bansa noong nakaraang taon. Sa kasagsagan ng pagpapatupad ng ECQ noong Abril 2020, nakapagtala ang bansa ng pinakamataas na unemployment rate na 17.7% o 7.3 milyong Pilipino.

Sa pagtataya ng DOLE, aabot sa 167,000 na mga manggagawa sa Metro Manila ang maaring mawalan ng trabaho o mabawasan ng kita sa pagpapairal ng ECQ. Ayon naman sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP), aabot sa kalahating milyon ang maaring mawalan ng trabaho.

Kung kinakailangan, iminungkahi ng Vice Chairperson ng Senate Economic Affairs Committee na idulog ng gobyerno sa Kongreso ang pagre-align ng mga hindi pa nagagamit na quick response funds upang makalikom ng sapat na pondo para gawing cash assistance sa mga manggagawang nawalan o mawawalan ng trabaho o pondohan ang mga short-term job programs katulad ng contact tracing o kahit na anong trabaho na may konsepto ng work-from-home.

“Sa pamamagitan nito, maisasalba na natin ang mga pamilyang maaapektuhan ng kawalan ng trabaho, matutulungan pa nating mapatakbo ang ekonomiya sa gitna ng mas mahigpit na mga panuntunan upang labanan ang COVID-19,” sabi ng senador.

Philippine Information Agency

1 reply »

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.