Bangsamoro Region

8K na armchair binigay ng MBHTE sa Cotabato City Schools Division

By Lean Twinkle Bolongon

LUNGSOD NG COTABATO – Abot sa 8,000 school armchairs ang binigay noong Martes, Agosto 3, ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MBHTE-BARMM) sa Cotabato City Schools Division.

Ang nasabing mga armchair ay orihinal na bahagi ng paghahanda para sa school year 2020-2021 subalit dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019  naantala ang paggawa at pamamahagi ng mga ito.

Ang ilan sa mga katangian ng armchair ay mayroon itong malapad na espasyong pagsulatan, laminated wood design, at malakas na metal case support na angkop para sa lahat ng uri ng mga mag-aaral.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Cotabato City Schools Division Superintendent Dr. Concepcion Balawag sa MBHTE para sa tuloy-tuloy na mga proyekto at programa para sa mga mag-aaral na Bangsamoro.

Siniguro din ni Balawag na buo ang suporta ng Cotabato City Schools Division sa ministry sa pagsisikap nito na walang mag-aaral na Bangsamoro ang maiiwan. Philippine Information Agency

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.