Bangsamoro Region

Tagalog News: BCPCH may bagong commissioners para sa mga probinsya ng BARMM

By PIA Cotabato City

LUNGSOD NG COTABATO, Hunyo 3– Iprinesenta kamakailan ng Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BCPCH-BARMM) ang mga bagong talagang commissioner nito para sa mga probinsya ng BARMM.

Ang bagong talagang commissioners ay sina BCPCH Chairperson Dr. Salem Lingasa para sa Maguindanao, Robert Maulana Alonto para sa Lanao del Sur, Ardan Sali para sa Sulu, Elmasia Madjilon para sa Tawi-Tawi, at Guiamal Abdulrahman na kumakatawan sa Indigenous Peoples, bilang ex-officio member.

Samantala, ang mga kinatawan para sa settler communities at ang commissioner para sa probinsya ng Basilan ay hindi pa natukoy.

Kasabay ng presentasyon, isinagawa rin ng BCPCH ang kauna-unahang en banc meeting upang suriin ang mandates, powers, at functions ng bagong tatag na komisyon.

Sinabi ni Chairperson Salem na malaki ang responsibilidad ng BCPCH.  Isa sa pangunahing mandato nito ay isulat ang Bangsamoro history at pagpepreserba at pagsusulong ng kulturang Bangsamoro.

Kaugnay nito, makikipagtulungan ang komisyon sa iba pang mga ahensya, partikular sa Development Academy of Bangsamoro (DAB), upang magsagawa ng mga serye ng pagsasanay upang maitaguyod ang mga mandato ng BCPCH. (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from BIO-BARMM).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.